Tuesday, October 20, 2009

Global Warming – One of the Causes of “Ondoy” and “Pepeng”

By Belle Ofalda

Ang “global warming” ay ang katagang tawag sa unti-unting pagtaas ng temperatura o pag-init ng ating kapaligiran. Ito’y nangyayari hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo, maging sa mga lugar na umuulan ng yelo.

Ang global warming ay matagal na nating nararanasan sa ating panahon. At sinasabing name-meligro ang ating mundo kung hindi natin mapipigilan ang paglubha nito. Naranasan na natin sa nagdaang mga bagyo.

Causes of Global Warming

Ang sinasabing malamang na sanhi nito ay ang pagdami o pagkapal ng karbon, at iba pang mga gas, gasolina, usok sa ating kapaligiran, na sanhi naman ng pagsusunog ng mga panggatong para makalikha ng init o enerhiya sa mga industriya o kapamuhayan – mga pabrika, mga makinarya, mga sasakyang de-motor, mga aircons, at iba pang bagay na gumagamit ng heat energy.

Kasama rin sa sanhi ng global warming o lubhang pag-iinit ng kapaligiran ang simpleng pagsisiga, walang-tigil o madalas na paggamit ng mga kasangkapang de koryente sa ating sariling tahanan at komunidad.

Effects of Global Warming

Krisis sa bigas – sobrang mahal ng presyo ng bigas dahil nagkukulang tayo ng suplay. Ito ay dahil sa matinding init na nararanasan ng kapaligiran, nagkukulang tayo sa tubig, nagkakaroon ng matinding pagtuyo sa ating lupain na nakakaapekto sa mga pananim na palay.

Pagdalas ng Bagyo’t Baha at Nawawalang Taniman ng Halaman

Dahil sa natutunaw na rin ang yelo sa mga polar regions, o yung mga lugar na may yelo, napupunta sa dagat ang mga natunaw na yelong iyon na naging tubig kung kaya’t tumataas ang tubig sa dagat na nagiging sanhi ng bagyo at baha.

Nawawala rin ang mga fertile land, o yung mga sinasabing matatabang lupa na magandang taniman, at ito’y dulot ng pagtaas ng tubig-dagat.

Maging ang ibang halamang gulay na tumutubo lamang sa malalamig na lugar ay mabagal na rin ang pag-ani. Kung kaya’t mahal na rin ang binebentang mga gulay sa palengke.

Ang mga Isda…

Sabi nila, “Warmer temperature mean less fish.” Ang mga isda ay thermally sensitive, ibig sabihin, mayroon lang karampatang temperatura ang kanilang nakakayanan. Kapag sobra ang init, nahihirapan ang mga ito na makakuha ng oxygen para sila makahinga.

Pagdami ng mga Sakit na Nanggagaling sa mga Insekto at mga Peste

Katulad ng “Dengue.” Nakukuha ang sakit na ito kapag tag-init. Ang mga insekto o mga pesteng ito ay nabubuhay nang masagana sa tindi ng sikat ng araw.

So, what can we do?

  1. Iwasan nating mabuti ang makadagdag pa sa pagkapal ng carbon dioxide at iba pang pampainit na gas sa ating kapaligiran. Umpisan natin sa ating mga sarili, sa ating mga sari-sariling tahanan: Huwag magsiga! Magtipid sa paggamit ng ating mga kasangkapang de-koryente.

  2. Ugaliing mag-recycle. Kung mas tipid ang paggamit natin ng mga plastic containers o plastic bags, mas tipid din sa paggamit ng makinarya sa paggawa ng mga ito. Tandaan natin: ang isang makinarya ay gumagamit ng libo-libong “Heat energy.

  3. Magtanim, magtanim, at magtanim! Ang mga puno at mga halaman ay nag-a-absorb o sumusipsip ng init ng araw. Kung wala nang tataniman na lupa sa ating bakuran, magtanim sa mga paso o mga lata. Kung wala na talagang paglagyan ng halaman sa bakuran, dalhin ang mga tanim sa bubong. Mag “roof garden” tayo!

  4. Sikapin nating malaman ang tungkol sa krisis na ito – krisis sa klima ng mundo. At kapag may nalaman tayo at may kailangang gawin, gawin na natin kaagad. Ika nga, “Put your knowledge into action.

  5. Kumbinsihin natin ang lahat ng kakilala natin, lalo na ang pamilya natin na tumulong kahit sa pinakamaliliit o pinakamababang paraan na kaya nilang gawin.

  6. Higit sa lahat, manalangin tayo. Ipanalangin natin na magkaroon ng lakas at kapasidad ang sangkatauhan upang magawa ang kailangang pagbabago.

Tandaan natin: May partisipasyon ang mga tao sa paglala ng krisis na ito. Kaya tayo rin ang gagawa upang maligtas tayo sa sinasabing peligro ng ating mundo sa global warming. Nang hindi na maulit ang ating mga naranasan kay Ondoy at Pepeng.

No comments:

Post a Comment