Tuesday, October 20, 2009

An article written by an Ondoy survivor

Let me share with you an article written by my sister who, along with my other sister and their families, live in Marikina. Their house was submerged in rushing flood water during typhoon Ondoy's onslaught. They have to swim to higher grounds leaving behind all of their belongings floating freely in murky floodwater.

I went to their house the day after to help clean up. And seeing the devastation Ondoy brought to their home, I could imagine how depressed my sisters should be after their traumatic experience.

But read on, and you'll see a strong person with an unwavering belief and trust in God!

God bless you, Ate!

Papel

by Belle Ofalda


Isang linggo matapos ang “Ondoy,” nag-iisip ako nang mabuti – iniisip ko kung saan ako makakakuha ng encouragement sa puso ko. Lubha akong nalungkot at na-depress. Nawala kasi ang lahat ng mga “Papel” sa buhay ko. Sinira ng tubig kung ‘di man inanod ng baha ang lahat ng mga aklat at magasin na kung saan nanduon ang mga nailathalang mga isinulat ko mula pa noong ako ay nagsimula sa pagsusulat noong 1987. Kasama rin duon ang karamihan sa mga litrato namin na nagpapa-alala ng mga nakalipas na kasiyahan namin bilang isang pamilya.

Sa aking pag-iisip, biglang ipina-alaala ng Panginoon ‘yung nabasa ko sa artikulo ni Bo Sanchez, na pinamagatan niyang, “Every Storm will End.” Naluha ako nang balikan ko ang email ko at muling basahin ang mga nilalaman nito.

Totoo nga na ang lahat ng bagyo ay may katapusan. Hindi tayo habambuhay na binabaha. At pagkatapos ng bagyo, may araw na sisikat sa isang umaga. At kung hindi man maitutuloy ang naudlot na ginagawa natin, magsisimula namang muli ang bagong buhay. Lahat ng nawala sa atin, makikita rin natin balang-araw. ‘Yung mga nawalan ng mahal sa buhay, makikita rin nila sila sa kabilang-buhay.

Nawalan man tayo ng mga mahahalagang litrato na sadyang makabuluhan sa atin, balang-araw, ipanunuod sa atin ng Panginoon ang video ng lahat ng pangyayari sa buhay natin. ‘Di kagaya ng mga litrato natin na nasa papel lamang – nawawala at nasisira.

Na-realize ko, ‘yung mga “Papel” ko, ‘di ko naman kailangan e. Akala ko kailangan ko pa ang mga ‘yon. Akala ko habambuhay kong maitatago ang mga ‘yon at maipagmamalaki ko, lalo na sa mga anak ko. Ngayon ko lang na-realize, “Pride” ang umiiral sa akin. Ang matagal nang nabuo sa isip ko ay, “Sa akin ang lahat ng mga iyon. Ako ang gumawa ng lahat ng iyon at walang ibang mayroon nuon kundi ako,” na naisip ko ngayon na kasinungalingan. Hindi pala ganuon. Nai-imagine ko, pagdating ko sa Lord, haharap ako sa Kanya na walang-dalang kahit na anong papel. Pagkakita pa lamang Niya sa akin, alam na Niya lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng naging trabaho ko, lahat ng mga naging awards at recognitions ko, at lahat ng talents na ginamit ko para sa kanya. Alam ko na hindi na Niya ako hihingan ng “credentials” para makapasok sa bahay Niya. Samakatuwid, hindi ko talaga kailangan ang mga iyon, kaya pala nawala sa akin.

Actually, simple lang naman talaga ang mga nawala sa amin, kaya I asked forgiveness from the Lord for being so depressed. Sa mga napakaliliit na mga bagay na nawala sa amin, minsan, na-question ko rin ang Lord. Para kasing nagkaroon ako ng trauma sa na-experience namin na parang katapusan na namin na lumalangoy sa animo’y dagat sa gitna ng bagyo. Although may mga gamit din kaming nasira kagaya ng refrigerator, computer, televisions and almost all of our books, pero hindi pa rin makukumpara ang sakit ng loob na naramdaman ng mga iba na nawalan ng bahay, malaking negosyo at mga mahal sa buhay. Sinabi sa akin ng Lord, matapos ang unos na iyon, na mamuhay na lamang ng simple at payapa. Tutal, kapag tinawag na tayo ng Panginoon, hindi naman natin madadala ang kahit na isa sa mga possesions natin.

Tapos na ang bagyo. Pero minsan sa isip natin ay hindi pa natatapos. Pilit pa rin nating ibinabalik sa isipan natin kung gaano tayo nasalanta, kung gaano tayo nasaktan, kung gaano tayo kinabahan sa palapit na noon na kamatayan.

Tapos na po. Maraming araw na ang sumikat sa bawat umaga simula nang matapos si “Ondoy.”
The Lord wants us to be grateful even when most people complain that there’s nothing to be thankful for because they lost half of their lives. Tell them to thank the Lord for the other half that they still have. Let’s thank the Lord for what we still have.

We’re blessed because we still have our loved ones. We’re blessed because there are still our family, friends and church members who are truly concerned and who love us.

Bro. Bo said...

Here’s what we need to do:

You need to refill your heart with hope. So that you can rise up again. Dispel the storms in your mind. It may be stormy on the outside but it should not be stormy on the inside. The only way to dispel the storms is to be grateful for what you have today and will happen tomorrow. God is redirecting you to something better.

You know, I believe the Lord is not only talking to the typhoon victims, and those who have had traumatic experiences. And He’s not only talking to me. He maybe is talking also to those whose hopes were broken and whose hearts need to be delivered.

No comments:

Post a Comment